Tuesday, January 16, 2007

my story #001

..hello readers!!

haiz..gus2ng gusto ko tlga magdrawing ng kng anu ano..at xempre appreciated un lahat ng mga nagmamahal kong klsmeyt at mga friendz,dahilan ng maaga kong pagsikat..hehehe! joke lng..

mahilig din ak0 magsulat ng mga kwentong barber0..hahaha!!basta bigyan mo ako ng maraming matitinong papel at panitik,asahan mo,magiging busy ako sa pagdrawing..pati pagsulat ng kng anu anong kwent0 na walang kabuluhan sa iba,per0 meaningful para sa kin.. ^^

KAIBIGAN LANG

“Hapon na,” sabi ni Aaron sa akin.
“Alam ko,” sagot ko.

Kapwa kaming walang magawa. Magkatabi sa taas ng bubong ng kanilang malaking bahay habang pinapanood ang paglubog ni Pebo sa likod ng kabundukan. Nais ko nang bumaba ngunit hindi ko kayang maiwan si Aaron nang nag-iisa.

“Bababa ka na ba?” kanyang tanong na nakatingin sa akin.

Tila nahalata niya ang aking nararamdaman. Nangungusap ang kanyang mga mata. Sa kanyang mga mata ako nakatitig. Akin itong binabasa. Wari’y nakikiusap na samahan ko muna siya.

“H-hindi pa naman. Hangga’t narito ka, ako’y m-manitili,” nauutal kong sagot.
“Baka napipilitan ka lang. Ayos lang sa akin kung nais mo nang sumilong,” kanyang tugon.
“Hindi ah,” sagot ko.
“Talaga?” panigurado niya.
“Oo naman.”
“Maraming salamat, Nika, tunay kang kaibigan.”

Kaibigan? Kaibigan lang pala ang turing niya sa akin. Talagang kaibigan lang. Nakalulungkot isipin. Sa tagal ng panahon naming nagsasama ay kaibigan pa rin pala ang kanyang nadarama para sa akin.

Bakit ba? Ah, dahil mahal ko na siya. Sa lahat ng naging kaibigan kong lalaki, siya ang pinaka espesyal. Siya ang pinakamahalaga sa lahat. Siya lang. Wala nang iba.

Wala akong magagawa kundi itigil ang pagtibok ng aking puso para sa lalaking ito. Isiping isa lamang itong ilusyon na nararapat mawala, nararapat mabura, nararapat ibaon sa limot.

Kasabay ng paglubog ng araw sa kalangitan, sa paghimbing ng mga nilalang, aking iwinaksi ang aking nararamdaman para kay Aaron. Mahal ko siya, sa panaginip na lamang ibubulong. Sa pangarap na lamang uusbong, ‘di na nararapat buhayin sa katotohanan.

“Ayos lang iyon, kaibigan ko,” sagot ko matapos kausapin ang sarili. “Ako’y mauuna na.”

Sabay ng paghakbang ng aking mga paa sa bubong ay ang pag-agos ng aking mga luha mula sa mga mata. Masakit para sa akin ang mga simpleng salitang kanyang binanggit.Pero sa kabilang banda, natanggap ko na. Natanggap ko na ako’y kanyang kaibigan lang. Kaibigang may pagtingin sa kanya...

No comments: